Ang TULALA...Bow! |
===============================================
Nakahiga sa kama, nananaginip nang dilat
Lasing sa alak, lasing sa pangarap
Tanaw ko ang langit, sa gabing maulap
At nang nahawi ang ulap, mga bituin ay nasipat
Lasing sa alak, lasing sa pangarap
Tanaw ko ang langit, sa gabing maulap
At nang nahawi ang ulap, mga bituin ay nasipat
Blangko ang utak, nakatitig sa mga tala
Malayo ang tingin, sa langit tulala
Ang ihip ng hangin, malamig na biyaya
At pagsilip ng buwan, ramdam ko ang hiwaga
Sa aking pagkakahiga, lumipas ang mga minuto
Ang tulala kong utak, biglang tumakbo
Wala namang bintana, dito sa aking kwarto
Baket kita ko yung langit, nasan yung bubong ko???
0 comments:
Post a Comment