======================================
Note:
Things that you are about to read are originally made by the famous Filipino stand-up comedian and TV personality Kim Idol.
======================================
ARIES
Maiisip mo ang kahalagahan ng isang bagay pag nawala ito sayo. Di ito tao. Payong ang tinutukoy ko. Bagay nga diba? Umuulan pa naman.
TAURUS
Ang iyong balak na pagbabago ay magiging sigurado dahil mahuhuli ka ng asawa mong kasama ang iyong kalaguyo. Lagot!
GEMINI
Makakasiping mo ang kainuman mo kagabi kaso hindi yung babaeng kursunada mo kundi yung baklang nagpapansin sayo. Ayan Nalasing ka kasi!
CANCER
Ingat sa sinasamahang kaibigan dahil di lahat sila ay me mabuting impluwensya. Isali ka ba naman sa Ms. Gay eh kalalaki mong tao!?
LEO
Masarap mag ulam ng may sabaw lalo pa’t umuulan. Kung walang pang sinigang, Ang medyas ng ama’y pakuluan. Sing asim pero di sing mahal!
VIRGO
Isang ugnayan ang maaaring maputol ngayong linggong ito. Pwede mo pa itong mabago. Basahin ang disconnection notice nyo ng Meralco.:)
LIBRA
Isang munting sorpresa ang mapapalampas mo. Dahil hindi mo ito nabigyang halaga. Sa sobrang munti kasi… hindi mo nakita! Hahaha! :)
SCORPIO
Isang malaking pagsubok ang haharapin ngayong araw. Kaya maghanda! Pancit, Menudo at Fruit salad. Kasya na siguro yan? Ano sa tingin mo?
SAGITARIUS
Isang lihim ang nakatakda mong matuklasan. Di ka pala tunay na anak ng iyong Ina. Pero okay lang kasi di din sya tunay na anak ng iyong lola! It’s a tie!
CAPRICORN
Magiging successful ka sa larangan ng pag-ibig. Masuwerte mong kulay ang itim. Buti na lang yun ang kulay ng kili-kili at singit mo! Ang swerte mo! :D
AQUARIUS
Subukang mag-iba ng trabaho kung nararamdaman mong di ka bagay dito. Ang tagal mo na kasing GRO pero wala namang tumi table sayo!
PISCES
Magiging matagumpay ka sa pipiliing karera. Kung magiging mabilis ang dagang tatayaan mo ng pera sa perya! Cross your fingers!
======================================
Oha! Nalaman mo na ang kapalaran mo ngayong araw, natawa ka pa!
LOL =))
======================================
0 comments:
Post a Comment